Tuesday, August 23, 2011

GAYUMA


this is a very simple gayuma that i know.


Isa sa mga orasyon na laging tinatanong sa akin ng mga kaibigan natin ay ang orasyon na magagamit para sa pag gayuma ng tao. Ang orasyon na ituturo ko ay talagang malakas at uulitin ko, na huwag abusohin ang kapangyarihan nito.
Huwag din ninyo gamitin ang orasyon sa mga taong ang edad ay 18 pababa dahil may kamalasan talaga ang darating sa inyo pag nilabag ninyo ito.

Una ay kumuha ng isang maliit at malinis na papel, siguraduhin na ang papel ay hindi pa nagagamit. Tapos ay kopyahin ang larawan na nasa ibaba pati na ang orasyon na nakalagay.


Una ay kumuha ng isang maliit at malinis na papel, siguraduhin na ang papel ay hindi pa nagagamit. Tapos ay kopyahin ang larawan na nasa ibaba pati na ang orasyon na nakalagay.


Pagkatapos makopya ang larawan ay dasalin ang (Our Father 7x, Hail Mary 7x at Glory be 7x).Dasalan ang papel tuwing araw ng ____ at ____ at magsinde din ng tatlong kandila sa mga araw na ito. Dalhin ang papel kahit saan kaman pupunta at kung nais gamitin ay hawakan lamang ang baso na lalagyan ng kahit anomang inumin tapos ay ibulong ang orasyon

( H. H. D. H.s, S. S. H. P. S. D.) sa inumin at ibigay sa taong nais gayumahin. Pagkatapos nito ay maghintay lang ng mga limang minuto at makikita muna ang epekto nito. Mas malambing na ito sa iyo at madali na itong susunod sa kagustuhan mo.

BABALA :

ang GAYUMA ay pag labag sa NATURAL LAW may hatid itong negative KARMA sa gagawa. handa kabang mag paraya ?

this is not my original post.



Thursday, August 18, 2011

NUMEROS MAHIKOS

GALING SA MAHIWAGANG AKLAT NG ORACULUM
1. Pagkilala ng kapalaran o hantungan ng isang tao sa pamamagitan ng NUMEROS MAHIKOS at 22 ARKANO. Ang ibig sabihin ng ARKANO ay isang kalihimang tago na may kimkim na iniu-ulat sa kabuhayan at hantungan ng mga tao.

NARITO ANG MGA KATITIKAN NG GULONG NI PINTAGOS

A-1 G-10 M-19 S -20
B-2 H-28 N-26 T -6
C-4 I-15 O-28 U - 9
D-5 J-15 P-77 V- 9
E-3 K-16 Q-27 W -12
F-8 L-21 R-11 Y-50 Z-70

At narito naman po ang 22 ARKANO ng aklat ni Thot at ng kanyang pangalan at kahulugan:

1. ALEF- Kasanayan,katusuhan,diplomasya.
2. BETH- Mga kalihiman,kahiwagaan.
3. SHIMEL- Pagpaparami,pagtubo,kasariwaan,katalinihan.
4. DALETH- Kapangyarihan,kalagayang matatag.
5. HE- Karunungan,pagdidiwa,mapaglikha.
6. VAU- Pag-ibig,kagandahan,mapang-akit.
7. ZAIN- Abulo,tulong ng langit.
8. HETH- Katarungan,pagtatapat.
9. TETH- Kabaitan, pananampalataya.
10. JUD- Gulong ng palad,hantungan.
11. CAF- Lakas ng diwa,masigla,mapaggawa.
12. LAMED- Pagtalima,gawa,paghihirap.
13. MEM- Pagkamatay,pagkasira,pagkawala.
14. NON- Pagpapalit,pagkakapihitpihit.
15. SAMECH- Di masayod na kalakasan.
16. HAIN- Pagkalubog,biglang kapamahakan.
17. PE- Ang langit,kapalaran,pag-asa.
18. TSADE- Ang tubig,kadiliman,pangingilabot.
19. CAF- Kaliwanagan,apoy,pagpapakilala.
20. RESH- Kaguluhan,balita,kaingayan.
21. SNHIN- Magulong pag-iisip kaululan,himdi timbang.
22. TAU- Katutuhan,kaganapan,lahat kay bathala.

PALIWANAG: Ang pangalang Jose Rizal ay may 9 na letra o katitikan, kung hahalagan ng mga sinasabi ng mga ARKANO ay makikita natin sa kabilangan ng 9 itong sumusunod:

TETH- Kabaitan,Pananampalataya o religion. Ang ibg sabihin ay siyay mabait sa buong kabuhayan, ngunit siyay mapapalungi sa pananampalataya o religon. Ating pong ganapin ang pagtarok ng kalihimang ito.

HALIMBAWA kay JOSE RIZAL

J-15 R -11
O-8 I -15
S-20 Z -70
E-3 A -1
L -21
TOTAL=46 + 118
TOTAL=164
Kung pagtitipunin nating sumahin ang dalawang kabuoang ito ay lumalabas na 164 ay malaki ang bilang sa 22 arkano ni Thot ay dapat na gawin ang ganito:
164=1+6+4=11. Ang numerong 11 ay matutunghayan na sa 22 arkano ni Thot at ang nagsasaad ay ganito:
CAF- Lakas ng diwa, masigla, mapaggawa. Ang kinalalabasan nito ay nangangahulugan na si jose rizal ay may malakas na diwa,Sagisag ng mga marurunong.ng mga manunubos,likas na masigla sa ano mang isipin at mapaggawa sa maraming bagay na kanyang ikatatanghal o ikakapahamak.

Friday, August 5, 2011

EVIL EYE

tigalpo: palipad hangin ..

FilipinoSorcerer said... "PA...N LI....TEM MA.....US DE K.S.M"

TIGALPO PARA SA IYO.. "ANG BIBIG MO NA MAGBUBUNGA NG SALITA NA HINDI MO MAGUGUSTUHAN. ANG PAGIISIP MO NA LILIPAD SA PAGLILIM NG ARAW. AT IYONG LIKORAN NA SUSUNDAN NG PANGANIB." IYAN AY IYONG TANDAAN.

-REGALO MULA SA AKIN PARA SA MABULAKLAK MONG MGA SALITA.



EGOSUM VOVERE MALEDICTUS

orasyon to give the person misfortune and sickness.




what is Orasyon ?

Ang dasal o oracion ay ginagamit upang humingi ng tulong sa nakakataas para sa kaligtasan sa katawang lupa at espiritwal. Hindi kinakailangang sa Aramaic, Greek, o Hebrew nakasaulat dahil kahit na anong dasal ay naiintindihan ng nasa Itaas yan. Ang mahalaga doon ay kung gaano kahanda ang nagdadasal nito. Gaano ka kalapit sa iyong tinatawagan. Kung malinis ka sa "loob" ay mas madali mong matatawagan at masasagot ka niya kaagad-agad.

Ang Lord's Prayer kahit sa english at iba pang nasa Psalms ay gumagana rin. Ang pagpapaandar nito ay unang-una ay kung gaano ka kahanda. Dahil hindi lamang sa pag-usal nakasalalay ay isang oracion o dasal.

Kung handa kana. Kahit hindi mo pa nausal at akma mo palang bibigkasin ay aandar ng kusa ang oracion dahil alam na ng mga espiritong banal ang nasa isip at kalooban mo at kung ano ang kailangan mo.

Katulad ng palasak na "susmayosep" na ang kabuuan niyan ay "Jesus Maria Y Joseph" ay dasal din yan laban sa kulog at kidlat. Kaya lang sa kalaunan ay parang dinaglat nalang at parang ginawa ng salitang kanto.

Ang kababaang loob, pagmamahal sa Dios, sa kapwa, at sa kalikasan. Yan ang magpapaandar sa mga salitang banal. Kahit gaano man ito kaikli o haba.

1Corinthians 14:5

I would like ye all spake with tongues but rather ye prophesied; for greater is he that prophesied than he that speaketh with tongues ( Ibig ko sanang kayong lahat ay mangasalita ng mga wika; datapuwat lalo na ang nanghuhula kaysa nagsasalita ng mga wika)

39 So my friends, set your heart on the gift of prophecy, and do not forbid speaking in strange tongues

(Kaya nga, mga kapatid ko, maningas na pakanasain ninyong makapanghula, at huwag ninyong ipagbawal ang magsalita ng mga wika)

Mark 16:17

Believers will be given the power to perform miracles; they will drive out demons in my name, they will speak in strange tongues 18 If they pick up snakes or drink any poison, they will not be harmed, they will place their hands on sick people and they will get well

Marcos 16:17

Ang mga sumamapalataya ay magtataglay ng ganitong tanda ng kapangyarihan; sa pangalan ko’y magpapalayas sila ng demonyo at magsasalita ng ibang wika. 18 sila’y hindi maaano dumampot man ng ahas o uminon ng lason; at gagaling ang mga maysakit na mapatungan ng kanilang mga kamay.”

Kaya lang natin pinagtatiyagaang pag aralan ang wika ni Lord Christ bilang pag galang kasi sila kinakausap natin maganda sa wika nila bilang pag galang. Tama ka naman na kahit anong wika pwede iba lang ang lakas ng original words nila lalo pag lumalaban sa mga diaboliko at mangkukulam.Takot sila sa orasyong galing mismo sa lumikha ng mundo. Hindi sa salitang inembento lang ng tao.